Sabado, Marso 10, 2012

Basahin ng Maibigan


Video Mayker
Ni: M.L.A
March 9,2011

            Siguro isa ako sa pinaka maraming alam sa computer. Malamang, halos 24/7 ako gumagamit ng computer eh. Maypasok man o wala. My net or wala din todo gamit pa rin ako. Kaya naman pagdating sa mga bagay tungkol sa computer akala nang madami madami akong alam. Oo madami. Lahat na ata ng MS office pinatulan ko na. Pag-aralan mo ba naman ng halos buong buhay mo ang computer (kahit nga sa college, nandun pa rin at ang course ko sa nagmamagandang Physical therapy. Anung connect di ba?) di ka pa matuto ane? Pero may ilan naman akong self thought katulad ng pag pho-photoshop at paggamit ng paint. Magaling di ba?

            Pero nung Huwebes, naisipan kong ipasa ang project ko sa English. Ang first work ever ko sa Video Maker, para sa biography ko na dapat ay biography ng classmate ko, kaso shy type siya at siya(etchos) na lang daw gagawa nung kanya. Oo naman ako kahit na medyo may doubt sa heart. Something feels off. Possibilities sa mangyayari sa presentation nung project inatake ang utak ko Kapag napili yung talagang gawa nya na video siguradong konsensya ko na naman kapag na-exempt ako, imbis na siya. At syempre ako na naman ang Bad guy! (kahit girl ako) Lagi na lang ako ang kontrabida; may gawin man ako o wala. Basta masama, AKO daw un! Sige ako na!

           NVM! So English naming nun at syempre nagmamagandang late ako. 1:30 nang hapon yung class ko nyan. Malupet! Tinapos ko pa kasi ang mahiwagang video ko na nagsasabi kung sino ako na nothing but the truth naman ang nakalagay. Sa video naman nung turn namin, yung biography ko yung inuna. Nung ma play na, banat ng classmate ko sa tabi, pede daw sa Tuesday. Medyo late ha! Ngumiti na lang ako tapos tinitigan yung wide screen kung saan yung classmate kong operator na, sponsor pa nung laptop na ginagamit namin,  hinihanap nya yung file ko. Sabi ko BOM tapos nag start na yung vid.

            Sa video ko, ako agad ang lumabas at ang pangalan kong nagmamaganda. Tapos yung parents ko, kapatid at iba pang pamilya ko na parang barangay na sa sobrang dami. Pero di kasi lahat kami sexy, kaya naman kahit apat lang kami sa picture parang 8 kami. Nag double. Tapos pinakita ko yung iba ko pang picture at mga achievements ko pati mga drawings ko. May narinig akong ‘ang galing’ pero di ko alam kung sino nagsabi nun pero alam kong hindi yung video yung tinatamaan ng compliment kung di yung sample works ko ng Photography, photo-editing at drawings ko. Kung my nagsabi nga talaga nun, either way I’m thankful. Bihira na akong mapuri dahil masyado na akong laidback and boring ng lumaki kaya kapag may konting papuri na binibigay sa akin ay ikinasasaya na ng puso ko. Kahit kunin na ako ni Lord—JOKE!

            Tapos nag end na yung video, di ko alam kung may pumalakpak nun pero pagkatapos ng papuri sabay banat ng dalawa sa classmates ko (at isa dun ang kaibigan kong nasa likod ko pa at inulit pa nya yung sinabi nya *harshness*), “Bakit ang haba?”

            Tanga na lang ang di mag isip na yung video ang tinutukoy nya dahil sigurado akong tight ang suot ko nun at wala nang mahaba sa kin kahit na yung buhok ko na may bangs.

            Pero di yan ang masamang nangyari. Ang masama at ang kagimbal-gimbal na pangyayari ang sumunod. Nag play na ng bagong video at ang Biography nung partner ko na ang pinalabas courtesy of himself pero alam nang mga innocent kong classmate pati ni Sir, na itago na tin sa Cavalry (close sa surname nya) na ako ang gumawa nun. Nung mag play ang video umpisa pa lang, sinabi ko na at tinanggap na mas maganda ang kanya. At sa buong panonood ko nun, gusto ko nang mamatay sa kahihiyan o mag disintegrate sa outer space. Di kami nagtinigin nung partner ko pero after nung video nyang MAGANDA TALAGA, nung kinuha nya yung USB nya nakita ko na serious sya. Parang may galit kahit na sobra sa tawanan at palakpakan ang classmates namin. At nang araw na yan tinaggap ko na may mga talentado at pilyo pero serious na mga lalaki sa mundong ibabaw at si partner ay ganun. Di kami close nun kasi sa boys namin wala naman talaga akong close eh. Nag-uusap, tanungan pero that’s just about it. No more.

            Kaya di na ako magtataka kung sa susunod naming pagsasama sa eskwelahan( kung pareho man kaming aabot dun kasama ang mga classmates namin) ay wala na talaga akong pag-asang maging buddy sya kasi di pa man kami close na bad shot na siya agad.

            Pero sabi nga nila life goes on di ba? So come my way! Salitang tae(talk sh*t) no?HUH?

END OF ENTRY

1 komento:

  1. haha Mika! sa wakas nahanap ko din 'tong blog mo. Tagalog na tagalog 'tong post na to. Di kita maimagine haha. Oiiii y u no paramdam? miss ko na kayo. Don't you dare forget me.. :D haha srlsy tho. Don't forget me

    TumugonBurahin